Posted by Angelica on Aug 2, '07 7:19 AM for everyone

i got this facts from http://superhelios.com/2007/07/20/upcat-tips/ hehehe... sa sunday na kasi exam ko... excited na ko makapuntang UP... my first and maybe the last... to enter UP... papapicture ako... hehehe... good luck saatin!

for those who crave to enter UP... just read... these tips...

UPCAT Tips

July 20th, 2007 | by Chito |

Hi! Papalapit na nang papalapit ang pinakahihintay ng lahat ng mga mag-aaral na gagradweyt sa sekondarya, ang UPCAT.

Kapag napagdesisyunan mo na ituloy ang iyong UPCAT sa simula ng Agosto, isa ka sa libu-libong mag-aaral na umaaasang makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa aming batch, mahigit 70,000 ang kumuha ng eksam (pinag-mulan).

Handa ka na ba? Hinalukay ko pa ang aking blog noong nakaraang taon upang ihatid sa inyo ang mga nagamit kong tips mula sa iba’t ibang tao, at pati na rin sa aking karanasan nang ako’y kumuha ng eksam.

mongol_for_kids_small.jpg

  1. Apat ang mga batch ng eksam sa UP Diliman (hindi ako sigurado kung paano ang iskedyul sa ibang mga constituent university, humihingi ako ng paumanhin sa inyo) na gaganapin sa Agosto 4 o 5, 2007. Tignan nalang ang inyong mga test permit para sa mga detalye. Hindi magkakapareho ang mga katanungan sa bawat batch kaya’t huwag na tangkaing humingi ng leakage sa iyong matalik na kaibigan na umaga ang pagsusulit. Siguraduhing may lapis ka na at matinong pambura.
  2. Ayon sa nakararami, hindi mainam ang pag-aaral nang gabi bago ang araw ng iyong pagsusulit. Malaki, ‘di umano, ang posibilidad na ikaw ay ma-”mental block” habang ika’y nasa gitna ng iyong pagsusulit, kaya pinapayuhan kitang mag-aral na dalawang linggo bago ang eksam at ituloy lang ito hanggang isang linggo na lamang ang nalalabi. Hipokrito ako. Nag-aral ako nang seryoso noong isang linggo na lamang ang nalalabi bago ang aking pagsusulit at nag-handa parin hanggang sa bisperas ng UPCAT. Huwag akong tularan kapag hindi naman sanay sa pagka-cram.
  3. Pinapayuhan din kita na kumain ng “brain foods” at isama ito sa iyo dyeta. Ang mga nakatala sa ibaba ay mga pagkaing tiyak na makatutulong sa pag-aaral mo.
    • Itlog. Ang itlog, tulad ng mani, atay, gatas at isda ay maaaring pagkunan ng neurotransmitter na Acetylcholine na tumutulong sa pagbuo ng “memory stem cells” ng iyong utak.
    • Oatmeal. Ang oats ay magbibigay sa ‘yo ng karampatang enerhiya sa kadahilanang ang mga whole grain ay mataas sa fiber.
    • Ang mga antioxidants tulad ng prunes at strawberries ay sinasabing makatutulong upang maiwasan ang oxidative stress ng utak, ayon sa mga researchers.
    • Ang mga oily na mga isda tulad ng salmon at tuna ay mayaman sa omega-3 na esensyal sa optimong performans ng iyong utak.
    • Kung mahilig ka sa tsokolate, piliin ang dark chocolates. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sabi brain food din ito. #
  4. Ang suma-total ng iyong pagsusulit ay babawasan pa ng isang-kapat (1/4) na puntos sa iyong bawat maling aytem. Ang mga blangko na sagot ay walang karampatan na puntos o pag-bawas sa iyong iskor. Hindi ako nagbibiro, kaya’t mabuti nang sigurado ka sa iyong mga sagot. Hindi ko maaaring sabihin kung iiwan mong blanko ang mga katanungang hindi mo alam o huhulaan mo, dahil subhektibo naman ang pag-aanalisa dito. Kung sa tingin mong hindi naman maka-aapekto ang pag-bawas sa iyong pagsusulit, edi manghula ka. Hindi ako nanghula dahil humigit-kumulang 30 ang aking mga walang sagot, at ayaw kong mabawasan ang mga sagot kong sigurado naman.
  5. Matuto at masanay na sumagot sa pinakamabilis na paraan. Ang oras ang iyong kalaban bukod sa pataasan ng UPG ng iyong mga kapwa-kukuha ng pagsusulit.
  6. Para sa mga nasa una hanggang ikatlong taon sa hayskul: Iwasan ang mga mabababang marka. Malaking porsiyento ang kukunin mula sa iyong mga marka sa report kard mula una hanggang ikatlong taon. Ito na nga lang yata ang humatak sa akin upang makapasok sa UP. Kung galing ka sa isang Science High School at hindi pa bumabagsak (gradong mas mababa sa 85 o 83), mapalad ka dahil malaki ang porsiyentong mapapasok ka sa UP.
  7. Mga dapat dalhin sa araw ng eksam:
    1. Test Permit
    2. High School ID (nalimutan ko na kung kailangan pa ba ito o hindi na, mangyaring tingan nalang ang test permit para sa mga dapat dalhin na nakalimutan kong ilista dito.)
    3. Mga (mahigit tatlo) nakatasang Mongol Pencil #2. Inirerekumenda na #2 For Kids ang bilhin upang mas madaling mag-shade ng mga sagot.
    4. Ang jacket ay kailangan para sa mga ilang kwarto na kasing lamig ng refrigirator ang aircon.
    5. Maulan ngayong buwan kaya’t kailangan mo ng payong. May mga kilala akong nilagnat kinabukasan pagkatapos ng UPCAT. Bawal magkasakit.
    6. Tubig. Mahigit limang oras ang test, kailangan mo ng likido.
    7. Pagkaing hindi makadudumi ng iyong papel.
    8. Relo (o wall clock). Malalaman mo talaga ang halaga ng pag-badyet ng oras sa pagkuha mo ng UPCAT.
  8. Para sa mga mag-eeksam sa UP Diliman, magpunta na doon dalawang oras bago ang aktwal na oras sa itong test permit. Mabigat ang trapikong sasalubong sa’yo kapag ika’y dumating sa saktong oras. Noong ako ang kumuha ng eksam, alas-diyes palang ay nasa UP na kami ng aking nanay. Napansin ko na alas-onse pa lamang ay namumuo na ang dami ng sasakyan sa campus.
  9. Alamin na kung saan ang gusali ng iyong pagkukuhanan ng pagsusulit ilang araw bago ang aktwal na araw. Mahirap maligaw sa mismong araw ng eksaminasyon.
  10. Matulog ng maaga kapag umaga ang eksam, at huwag naman masiyado kumain ng tanghalian kapag ika’y pang-hapon upang maiwasan ang pagbisita sa iyo ng iyong kalaban sa Reading Comprehension—antok.
  11. Magpunta na sa labatoryo bago pa man magsimula ang test. Halos tuloy-tuloy ito kung katulad mo akong mabagal sumagot, kaya mahirap magpa-iskyus sa inyong mga proctor upang tumakbo ka’t magmadali sa banyo.
  12. H’wag kalimutang pasalamatan ang mga tumulong sa’yo sa pagrerebyu. H’wag ding kalimutang magdasal sa Poon upang bigyan ka ng sapat na lakas a fokus sa eksam, at ilayo ka sa mga distraksyon kapag nag-aaral. Maniwala ka sa sarili mong makakaya mong maipasa ang UPCAT, lalo pa’t nag-handa ka at ginawa mo ang lahat ng ‘yong makakaya upang makapasa sa State-U.

Kaya niyo yan!

Just pray... pray... pray... and work.... that in all things God may be glorified!...
weeeeeeeee

 


jfh214 wrote on Aug 2, '07, edited on Aug 2, '07
remember, "log 1 = 0", "ln 1 = 0" and "log 0 = undefined" ;-) beware of trick questions too!

i'm not sure if right minus wrong pa rin ang UPCAT. if ever ganun pa rin, if you're not sure with your answer, skip. also, unahin nyong sagutin lahat ng madadali tapos balikan na lang yung mga medyo nahihirapan kyo para hindi sayang oras.

come early as the place will be flocked and i'm sure irere-route ng UP police yung traffic so malamang heavy traffic sa circle pa lang or sa philcoa. also, if you have the time, tignan nyo na kung san yung exam building nyo para sure na kayo ng pupuntahan.

yun lang po. good luck!

regards,
UP student 95-24320 :-)
iwouldliketo wrote on Aug 4, '07
Hi, thank you at napapakalat ang ginawa kong tips para sa inyo. Sana makatulong yan. At salamat rin sa proper na pag-kopya ng blog post ko! :D

Chito Peralta
1st year BSCE
Comment deleted at the request of the author.
Comment deleted at the request of the author.
aikavelez wrote on Aug 5, '07
tnx... poh sa advice... nag test na po ko... nd d nga po right minus wrong... right minus 1/4 wrong... hehehe... ang hirap nga eh... pero tnx parin poh...
aikavelez wrote on Aug 5, '07
oonga poh... tnx sa blog nyo...
totzkiting wrote on Jun 19
kinakabahan na ako sa upcat... nax... bat wala po sa choices ng course ung nuclear physics?
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help